KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ti•ím

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Unti-unti o marahang pagtagas ng tubig o anumang likido sa maliit na bútas ng sisidlan.

ti•ím

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Mariing pagtatama ng mga labì, ngipin, o bagáng dahil sa pagtitimpi ng samâ-ng-loob.

ti•ím

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nakampit ang mga labì, ngipin, o bagáng dahil sa pagtitimpi ng samâ-ng-loob.
TIÍM-BAGÁNG

Paglalapi
  • • pagtiím: Pangngalan
  • • itiím, mapatiím, tiimín, tumiím: Pandiwa
  • • mapagtiím, tiím: Pang-uri

ti•ím

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Salita
tim
Pinagmulang Wika
Chino
Kahulugan

Nilutò sa pamamagitan ng pagpapasingaw.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?