KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

te•ór•ya

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
teoria
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Láwas ng mga idea o prinsipyo na naglalayong ipaliwanag ang mga bagay-bagay.
Alam mo ba ang teórya ng ebolusyon?

2. Pangkalahatang tawag sa abstrak na kaalaman o malalim na pag-iisip.
Mahusay siya sa teórya ngunit kulang sa praktika.

3. Anumang kaisipan na bunga ng pagmumuni.
Teórya ko, ikaw ang nakawala sa susi.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?