KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ta•tág

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kalagayan na hindi madalíng matinag o masira dahil sa tibay ng balangkas.

2. Kakayahan ng tao na lumaban sa hírap.

Paglalapi
  • • katatagán: Pangngalan
  • • magpakatatág, patatagín, tumatág: Pandiwa
  • • matatág: Pang-uri

ta•tág

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagtatayô o pagbuo ng anuman (lalo kung samahán, negosyo, at katulad).

Paglalapi
  • • pagkakatatág: Pangngalan
  • • itatág, itinatág, magtatág, nagtatág: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.