KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ta•ngì

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Iba sa karaniwan o karamihan.

2. Kaisa-isa o walang katulad sa uri.
BUGTÓNG, TULÁLI

3. Tingnan ang mahalagá

Paglalapi
  • • katangían, pagtangì, panangì: Pangngalan
  • • itangì, tinatangì: Pandiwa
  • • katangì-tangì, natatangì: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?