KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ta•luk•bóng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Piraso ng tela na ipinantatakip sa ulo o mukha bílang proteksiyon.
Naikubli niya ang kaniyang mukha sa talukbóng na bandana.
BÍRANG, KAPUTSÁ, KUBÓNG, KULUBÓNG, PANDÓNG

2. Pagtatakip sa ulo ng anumang tela (lalo kung kumot kapag natutulog).

Paglalapi
  • • pagtatalukbóng: Pangngalan
  • • ipantalukbóng, italukbóng, magtalukbóng, patalukbungín, talukbungán: Pandiwa
  • • patalukbóng: Pang-abay

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.