KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ta•là

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. ASTRONOMIYA Alinman sa mga napakaliwanag na bituin sa kalangitan.

2. Tingnan ang bituín

tá•la

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

BOTANIKA Yerbang (Limnophila rugosa) hugis-espada ang dahon, mahabà, lapád at makinis, tumutubò sa mga lantad at basâ-basáng lugar na ginagamit na pampabango sa paglulutò at naigagamot din sa pananakit ng tiyan.

ta•lâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagsusulat ng anumang detalye upang makatulong sa memorya, magsilbing katibayan, muling masangguni sa hinaharap, o maging dagdag na paliwanag.

2. Tawag din sa nabuo rito.
NÓTA

Paglalapi
  • • pagpapatalâ, pagtatalâ, pátalaan, taláan: Pangngalan
  • • ipatalâ, italâ, magtalâ, matalâ, pagtalaín: Pandiwa
Idyoma
  • taláang itím
    ➞ Taláan ng pangalan ng mga táong gumagawa ng hindi kanais-nais at labag sa batas.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?