KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tak•bó

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Mabilis na kilos ng pagtúngo sa isang dáko.

2. Galaw ng makina o aparato.
ANDÁR

3. Pamamahala sa isang negosyo, operasyon, at katulad na gawain.

4. Pagpapagana ng sasakyán at katulad na mayroong kontrol.
MANÉHO

5. POLITIKA Pagpapasiya na maging kandidato sa halalan.

6. Tingnan ang tákas

7. Paglipas (lalo kung sa oras o mga pangyayari).

Paglalapi
  • • mánanakbó, pagpapanakbúhan, pagtakbó, takbúhan: Pangngalan
  • • itakbó, magpatakbó, magtakbó, magtakbúhan, matakbuhán , patakbuhín, takbuhán, takbuhín, tumakbó: Pandiwa
  • • patakbó: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?