KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ta•í•nga

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
té•nga
Kahulugan

1. ANATOMIYA Bahagi ng katawan ng tao at hayop na ginagamit sa pagdinig.
BALÚGBUG

2. Bahaging hawakán ng isang sisidlan (tulad ng sa tása).

Paglalapi
  • • manaingá: Pandiwa
Idyoma
  • lampás sa dalawáng taínga
    ➞ Hindi pinahahalagahan ang mga naririnig.
  • taíngang kawalì
    ➞ Nagbibingi-bingihan.
  • hanggáng nahíhip pa ang taínga
    ➞ Hanggang nakapagpapaumanhin o nakapagtitimpi.
  • humáwak na sa taínga
    ➞ Humanda na at magiging matulin ang pagpapatakbo sa sasakyán.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?