KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ta•hí•mik

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Walang ingay (kung sa isang pook).
PAYAPÀ

2. Hindi nagsasalita o bihirang magsalita (kung sa isang tao).
RESERBÁDO, TINÍP

3. Hindi kumikilos o nagpapahinga (kung sa isang tao).
KALMÁDO, KALMÁNTE

Paglalapi
  • • katahimíkan, pagkatahímik, pananahímik: Pangngalan
  • • magpatahímik, manahímik, matahímik, patahimíkin, tumahímik: Pandiwa
Idyoma
  • lumagáy sa tahímik
    ➞ Mag-asawa.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?