KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ta•ón

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Panahong binubuo ng 12 buwan na nagsisimula sa 1 Enero at nagtatapós sa 31 Disyembre.

2. Tawag din sa haba ng panahong binubuo ng 365 araw sa loob nitó na partikular sa isang gawain (gaya ng taóng akademiko, taóng piskal, atbp.).

3. EDUKASYON Antas ng pag-aaral sa tersiyaryo.
Pang-ilang taón ka na sa kolehiyo?

Paglalapi
  • • dantaón: Pangngalan
  • • taúnan: Pang-uri

ta•ón

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkaganap ng anumang hindi sinasadya o hindi inaasahan.

2. Pagkaganap nang may kasabay o posibilidad na mangyari.

Paglalapi
  • • pagkakataón: Pangngalan
  • • itaón, magkataón, mataón, nagkataón, nataón, pataón: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.