KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tí•nig

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tunog na lumalabas sa bibig ng isang tao kung nagsasalita o umaawit.
BÓSES

2. Tunog na nalilikha sa paggalaw ng babagtingan.

3. Pagpapahayag ng nais, damdámin, o opinyon.

Paglalapi
  • • palatinígan: Pangngalan
Idyoma
  • tínig ng báyan
    ➞ Paninindigan ng mga mamamayan.
  • tínig sa iláng
    ➞ Mga hinakdal na hindi pinahahalagahan ng mga kinauukulan; hindi pinakikitunguhan ang mga ginagawang pakikipag-unawaan.

tí•nig

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

LINGGUWISTIKA Ugnayan ng isang pandiwa sa simuno ng pangungusap nitó na sa Filipino ay inihahayag sa panlapi.
PÓKUS

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?