KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

su•ób

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. BOTANIKA Pagpapausok sa halaman para mamunga nang marami.

2. MEDISINA Pagkulob sa isang maysakít sa pamamagitan ng pausok.

Paglalapi
  • • pagsuób: Pangngalan
  • • sinuób, sumuób, suubín: Pandiwa

su•ób

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagpuri sa isang dilag (lálo na sa pamamagitan ng tula).

Idyoma
  • sinuób ng kamanyáng
    ➞ Pinuri sa pamamagitan ng mga pangungusap na masarap pakinggan.
    Ang nahalal na musa ay sinuób ng kamanyáng ng makatang nagputong ng korona.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?