KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sug•pô

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

ZOOLOHIYA Uri ng malaking hipon (Penaeus monodon) na nahuhuli sa ilog o sa dákong malapit sa baybay at ginagawang espesyal na lutúin.
SUKPÔ

sug•pô

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagpígil o paghadlang sa anumang gawaing ipinalalagay na hindi mabuti.
APULÀ, SAWATÂ, PÍGIL

Paglalapi
  • • pagkakasugpô, pagsugpô, panugpô: Pangngalan
  • • ipasugpô, masugpô, pagsusugpuín, sugpuín, sumugpô: Pandiwa
  • • panugpô : Pang-uri

sug•pô

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Naapula o napigilan na.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?