KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sub•sób

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkapataob o pagsubasob ng mukha sa sahig o sa ibabaw ng anuman.
YUKAYÓK

2. Pagbabaón sa ilalim ng abo (kung nag-iihaw ng kamote).

Paglalapi
  • • pagkasubsób: Pangngalan
  • • isubsób, masubsób, sumubsób, mapasubsób: Pandiwa
Idyoma
  • subsób na subsób sa gawáin
    ➞ Lubusang pag-uukol ng panahon sa ginagawa.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?