KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

strawberry

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Bigkas
is•tró•be•rí
Pinagmulang Wika
Ingles
Kahulugan

1. BOTANIKA Mababang yerba (Fragaria vesca) na may mga puting bulaklak at nakakáing bunga na katutubò sa Europe ngunit may taníman sa Benguet.

2. Tawag din sa maliit na pulang bunga nitó na maaaring maasim o matamis at nása labas ang maraming maliliit na butó.
PRÉSAS

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Mulang mga babaylán hanggang mga bayani ng kasalukuyang panahon, ipinagdiriwang natin ang mga ambag ng kababaihan sa ating kasaysayan at lipunan. Maligayang Buwan ng Kababaihan sa lahat!