KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

si•yó•koy

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
cui-kui
Pinagmulang Wika
Chino
Kahulugan

1. MITOLOHIYA Nilaláng na anyong laláki ang katawan, mukhang isda ang ulo, may kaliskis ang katawan, at naninirahan sa tubig.

2. LINGGUWISTIKA Alinman sa mga anyo ng salita na hindi tiyak ang pinagmulang wika (lalo na kung nakahahawig sa pinagsámang Ingles at Espanyol).

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Mulang mga babaylán hanggang mga bayani ng kasalukuyang panahon, ipinagdiriwang natin ang mga ambag ng kababaihan sa ating kasaysayan at lipunan. Maligayang Buwan ng Kababaihan sa lahat!