KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sip•síp

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pahithit na paghigop o pag-inom ng tubig, sabaw at iba pang katulad nitó.
SUPSÓP

2. Pag-ubos o pag-iga sa lamáng tubig o anumang lusáw na bagay sa pamamagitan ng bangsî.

Paglalapi
  • • pagsipsíp: Pangngalan
  • • magsipsíp, manipsíp, pasipsipín, sipsipán, sipsipín: Pandiwa

sip•síp

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Tawag sa táong mapaglangis sa kaniyang ámo o sinumang nakatataas sa kaniya.
Lubhang sipsip si Bobby sa kaniyang hepe.

Paglalapi
  • • magsipsíp, manipsíp, sumipsíp: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?