KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

si•pì

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kopya ng isang limbag na babasahin (tulad ng mga aklat, magasin, atbp.).
Mayroon siyang unang sipì ng Liwayway.
KÓPYA

2. Pagkopya sa bahagi o kabuoan ng isang aklat o anumang kasulatan nang may karampatang pagkilala sa awtor.

3. Anumang kinopya nang may karampatang pagkilala sa awtor.

Paglalapi
  • • pagkasipì, pagsipì, panipì: Pangngalan
  • • ipasipì, magpasipì, magsisipì, manipì, masipì, pagsipían, sinipì, sipíin, sumipì: Pandiwa
  • • sipi: Pang-uri
Tambalan
  • • karapatáng-sipìPangngalan

si•pì

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagbali sa maliit na sanga.

si•pì

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagkukumpol-kumpol ng mga bungangkahoy o prutas sa iisang tangkay.
Isang sipì ng saging ang kaniyang binili.
PILÍNG

si•pì

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nauukol sa maliit na sangang binali sa pamamagitan ng kamay.

si•pì

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Hango o batay sa iba.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?