KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sim•bá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. TEOLOHIYA Pagtúngo sa simbahan upang makinig ng misa.
SAMBÁ

2. TEOLOHIYA Pananalangin sa simbahan sa araw ng Linggo at iba pang Pistang Pangilin sa mga Katoliko.

Paglalapi
  • • simbahán, pagsisimbá: Pangngalan
  • • ipansimbá, ipinangsimbá, magsimbá, pasimbahín, pinagsimbá, sumimbá: Pandiwa
  • • palasimbá : Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.