KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

si•gà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
sigarílyo
Kahulugan

Kolokyal na tawag sa táong ipinapalagay na masamâ ang ugali at matapang kung kayâ ay kinatatakutan.
MATÓN, SANGGANÓ, TIGÁSIN

si•gâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Apoy na likha ng pagsusunog ng mga basura.

2. Pagpapausok sa mga halaman upang madaling mamulaklak at mamunga.

Paglalapi
  • • pagsisigâ: Pangngalan
  • • magpasigâ, magsigâ, masigaán, pagsigaín, pasigaán, pinagsigâ, sigaán, sinigaán: Pandiwa
  • • pansigâ: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.