KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ser•yó•so

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Salita
serious+o
Pinagmulang Wika
Ingles
Kahulugan

1. Malubha ang epekto.
Ilang linggo na siya sa ospital dahil sa seryósong kondisyon.

2. Tapat o nakatuon sa isang tiyak na gawain.
Mukhang seryóso siya sa pinaplanong pagbabágong-búhay.

3. Hindi nais magpatawa.
Seryóso akó kayâ 'wag kayong tatawa.
SÉRYO

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.