KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sen•si•tí•bo

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Salita
sensitivo
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Madaling makadamá.

2. Tingnan ang maramdámin
Nagiging sensitíbo ang tao sa kaniyang pagtanda.

3. Madaling maapektuhan, mabago, o masira ng isang partikular na bagay

4. Madaling kapítan ng sakít.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?