KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sa•rá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
cerrar
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Paglalapat ng takip sa anumang nakabukas.

2. Paglalagay sa áyos na makahaharang o makatatakip (gaya ng ginagawa sa pinto).
PÍNID

3. Pagpapatigil sa paggana (kung sa ilaw o aparato).

4. Pagtatapos ang isang gawain (gaya ng kasunduan o kaso).

Paglalapi
  • • pagkakasará, pagsasará, pansará: Pangngalan
  • • ipasará, isará, magpasará, magsará, masarahán, nagsará, pasarahán, sarahán, sinarahán, sumará, sumasará: Pandiwa
  • • pinagsarahán, pinagsará, sarádo: Pang-uri
  • • pasará: Pang-abay

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?