KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sa•pì

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. SOSYOLOHIYA Pag-anib ng sinuman sa isang samahan.
LAPÌ

2. INDUSTRIYA Bahagi ng pamumuhunan ng mga kaanib sa samaháng pangkalakal; pagbákas o pagsosyo.
LAPÌ

3. Anumang ginagámit na pampatibay o pampatigas.

4. Ang ipinalalagay na iniingatang galíng o anting-anting ng isang táong may kahanga-hangang lakas.

Paglalapi
  • • kasapì, kasapián, pagkasapì, pagsapì : Pangngalan
  • • isinapì, magpasapì, masapì, pasapíin, pinasapì, sapían, sumapì: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?