KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sang•gá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagprotekta sa anuman o sinuman sa pamamagitan ng pagsalag sa anumang maaaring makasirà o makasakit.

2. Anumang bagay na nakahalang pampigil o pamprotekta.

3. Sa sugal, lálo na sa baraha, ang pagiging hindi magkatalo ng dalawa o higit na kalaro.

4. ISPORTS Tingnan ang koponán

Paglalapi
  • • kasanggá, pagsanggá: Pangngalan
  • • ipananggá mananggá, magsanggá, sanggahín, sinanggá, sumanggá: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?