KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sam•pá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pag-akyat sa isang pook o anumang mataas na lugar.
DAPLÁS

2. Pagsakay o pagtatrabaho ng isang marinéro sa sasakyang-dagat.

3. Pagpasok o pagbabalik ng puhunan, maging sa pangangalakal o sa sugal.
ASÉNSO

4. Pagkataas ng tungkulin.

Paglalapi
  • • pagsampá, sampáhan: Pangngalan
  • • isampá, isinampá, pasampahán, pasampahín, pinasampá, sumampá: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.