KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sa•li•tâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. LINGGUWISTIKA Yunit ng wika na binubuo ng isa o higit pang tunog at nagtataglay ng kahulugang ipinahahayag ng isip, kilos, o damdamin (tulad ng "pagkain," "ang," "maglaro," "libro," atbp.).

2. Tingnan ang wikà

Paglalapi
  • • pagkakasalitâ, pagsasalitâ, pagsásalitáan, panalitâ, pananalitâ, salitáan: Pangngalan
  • • kásasalitâ, magsalitáan, magsalitâ, nagsalitâ, pagsalitaán, pagsalitaín, pagsasálitaín, pinagsalitaán, pinagsalitâ: Pandiwa
  • • masalitâ, pasalitâ, pinagsalitâ : Pang-uri
Idyoma
  • nagsasalitâ sa saríli
    ➞ Gumagawa ng kilos gamit lang ang bibig.
  • hindi makúha sa salitâ
    ➞ Ayaw tumanggap ng pangaral.
  • hindi nagdadalawáng salitâ
    ➞ Ibinibigay agad ang kailangan sa minsang pagsasabi.
  • kinakáin ang salitâ
    ➞ Táong hindi naninindigan sa mga ipinangako o binitawang pahayag.
  • pinagsalitaán
    ➞ Kinagalitan.
  • makakariníg ng mga salitâ
    ➞ Masesermunan, kagagalitan.
  • salitáng barberyá
    ➞ Mahalay na pangungusap; salitang magaspang at hubad sa katotohanan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.