KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sa•la•pî

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tingnan ang péra

2. Uri nitó na matatagpuan sa isang partikular na bansa (gaya ng piso at dolyar).

3. Sa lumang paggamit, kuwartang pilak na katumbas ang halaga sa limampung sentimos.
PÍLAK

Paglalapi
  • • manalapî, pananalapî : Pangngalan
  • • magkasalapî, salapiín, sinalapî: Pandiwa
  • • masalapî: Pang-uri
Idyoma
  • mukháng salapî
    ➞ Iniuukol sa mga táong sa kuwarta tumitingin.
  • nagtatápon ng salapî
    ➞ Kung gumasta ay walang patumangga; nagpapatalo sa sugal.
  • nakúha sa salapî
    ➞ Naipagtagumpay ang hangarin sa pamamagitan ng salapî.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?