KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sa•lá•kay

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Anumang marahas na paggámit ng lakas upang magdulot ng pinsala sa kapuwa.

2. Pangkatang pagtúngo sa isang kalaban (lalo na ng isang hukbong pangmilitar) upang magdulot ng pinsala.
LUSÓB, ATÁKE, DALÚHONG, SÚLONG

3. BATAS Paghuli (gaya ng layuning paglusob ng mga alagad ng batas kung mayroong ilegal na gawain).

Paglalapi
  • • mananalákay, pagsalákay, panalákay, pananalákay: Pangngalan
  • • ipasalákay, manalákay, masalákay, nanalákay, pasalakáyin, salakáyin, sumalákay: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?