KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sag•wán

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kasangkapang ginagámit sa pagpapausad sa bangka na karaniwang yarì sa kahoy at may anyong tíla kutsarang sapád ang dulo.

2. Tawag din sa pagpapausad sa bangka gámit ito.
GÁOD

Paglalapi
  • • mananagwán, pagsagwán: Pangngalan
  • • sumagwán, magsagwán, isagwán, pagsagwanín: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?