KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sab•láy

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Paglihis o hindi pagtama sa inaasinta (kung sa suntok, bala, atbp.).
Púro sabláy ang pinakawalang suntok ng boksingero.
MINTÍS, PALYÁ

Paglalapi
  • • ikinasabláy, sumabláy: Pandiwa

sab•láy

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Hindi tumama ang pag-asinta.

sáb•lay

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Tingnan ang sampáy

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.