KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sá•bog

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kalagayan o anyo ng maliliit na bagay na nakakalat.
SAMBÚLAT

2. Pagkakalát ng mga butil ng binhi sa linang.

3. Malakas na putok.

Paglalapi
  • • pagsábog, pasábog: Pangngalan
  • • pasabúgan, isábog, magpasábog, magsábog, masabúgan, masábog, nagpasábog, pasabúgin, sabúgan, sumasábog, sumábog: Pandiwa
  • • sabóg: Pang-uri

sa•bóg

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Hiwa-hiwaláy o hindi pisan sa isang tabi o sa isang sisidlan.
KALÁT, MAGULÓ, NAGSAMBÚLAT

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?