KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sú•pil

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagtalo o paggapì sa kalaban.

2. Pangingibabaw ng lakas o kapangyarihan sa kapuwa.

3. Pagtutol sa masamáng hilig (gaya ng ginagawa ng mga batang matitigas ang ulo).

Paglalapi
  • • pagsúpil, panunúpil : Pangngalan
  • • ipasúpil, manúpil, masúpil, pasupílin, sinúpil, sumúpil, supílin: Pandiwa
  • • supíl: Pang-uri

su•píl

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Talo; talunán.
GAPÎ

2. Napigil sa paggawa ng masasamáng hilig.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.