KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sú•bok

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Lihim na pagmamatyag sa isang ibig hulíhin o maláman ang ginagawa.

2. Pagmamasid sa isang sinusubaybayan upang matiyak kung ano ang ginagawa.

3. Pagsúkat ng sapatos o gámit upang maláman kung kasiya.

4. Unang pagtikim (kung sa pagkain upang maláman kung magugustuhan).

5. Pag-alam kung may nalaláman o wala.

Paglalapi
  • • manunúbok, pagkakasúbok, pagsúbok, panunúbok: Pangngalan
  • • isúbok, magsubukán, manúbok, masúbok, pasubúkan, subúkan, subúkin, sumúbok: Pandiwa
  • • subók: Pang-uri
Idyoma
  • nasubúkan sa pagtáe
    ➞ Nahúling hindi nakahanda.
  • hindi masusubúkan
    ➞ Hindi maaaring mahalata sa pakikisama; hindi matatawaran ang kakayahan.

su•bók

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Kilalá na ang kakayahan.

2. Nakalampas na sa pagsusuri.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Mulang mga babaylán hanggang mga bayani ng kasalukuyang panahon, ipinagdiriwang natin ang mga ambag ng kababaihan sa ating kasaysayan at lipunan. Maligayang Buwan ng Kababaihan sa lahat!