KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sá•lin

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paglilipat ng lamán ng anuman sa ibang sisidlan.

2. Paggawa ng bagong sipi o kopya ng isang sulat, larawan, atbp.
KÓPYA

3. LITERATURA Paglilipat sa ibang wika ng anumang kasulatan o katha.

4. Paglilipat ng tungkulin sa iba.

5. Paglilipat ng mga pasahero o kargada.

6. Endoso o paglilipat ng dokumento, komunikasyon, sirkular sa mga tanggapan.

Paglalapi
  • • pagkasálin, pagsasálin : Pangngalan
  • • ipinasálin, isinálin, isálin, magpasálin, magsálin, masalínan, masálin, nagpasálin, nagsálin, pagsalínan, salínan, sinalínan: Pandiwa

sa•lín

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Bahása Súg, Hiligaynón, Waráy
Kahulugan

Tingnan ang tirá

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?