KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sá•gap

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pag-alam sa isang balita sa pamamagitan ng mga bulong-bulungan o sabí-sabí.

2. Anumang nakukuha sa ibabaw ng tubig.
LINÁB

3. Anumang nasisinghot o nalalanghap.

Paglalapi
  • • pagságap, pagságap, panágap: Pangngalan
  • • ipaságap, ipinanságap, manágap, maságap, sagápin, sumaságap, sumágap: Pandiwa
Idyoma
  • sumágap ng alimúom
    ➞ Tumanggap ng kung ano-anong uri ng balita.
    Nakakaiinis ang babaeng iyan, pumunta na naman sa kalye upang sumágap ng alimúom.

sá•gap

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Masinsin at maliit na lambat, karaniwang yarì sa sukob, na ginagámit na panghúli ng maliliit na isda o hipon.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?