KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sá•bit

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkapalawit o pagkabitin ng anuman (halimbawa ay sa pakò).

2. Paglalagay ng sombrero, damit, at iba pang palawit.

3. Hindi opisyal na kasáma.

4. Pagkasangkot ng isang tao sa isang problema o sitwasyon.

Paglalapi
  • • pagkasábit, sabitán: Pangngalan
  • • ipasábit, magsábit, masábit, nasábit, pagsabítan, sabítan, sinabítan: Pandiwa
Idyoma
  • may sábit
    ➞ 1. May pananagutan na. 2. Maaaring ikapahamak
    1. Huwag pumatol sa laláking may sábit na. 2. Tiyak na may sábit ang pakikipagsabwatan sa manloloko.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?