KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

re•bél•de

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Sinumang lumalaban sa pámahalaán para sa isang adhika sa paraang marahas.
MANGHIHIMAGSÍK

2. Táong mahilig sumuway sa utos, lalo na ng magulang.

Paglalapi
  • • magrebélde: Pandiwa

re•bél•de

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Lumalaban sa pámahalaán.

2. Mahilig sumuway sa mga utos, lalo na ng magulang.
Hindi nakatanggap ng mana mula sa kaniyang ama ang anak na rebélde.
SUWAÍL

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.