KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

rá•yos X

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Bigkas
rá•yos é•kis
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

Tingnan ang x-ray

rá•yos bi•yo•lé•tas

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
rayos violetas
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

Liwanag na lumalabas sa lente, buhat sa ilaw dagitab sa loob ng isang aparato at ginagamit sa ilang uri ng sakit (gaya ng sakit sa balat, rayuma, atbp.).

rá•yos

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
rayo+s
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Mga bára o rod na yarì sa kahoy o sa kansa, karaniwang mahahaba at bilóg na parang baston na ikinakabit sa paligid ng tagiliran ng buha o gitnang bahagi ng gulóng, at sa paligid ng dakong loob o panig ng arko, upang tumibay sa kabuoan.

2. Mga sinag (gaya ng rayos X).

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?