KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

réy•na

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
reina
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Asawa ng isang hari o babaeng maharlika.

2. Tawag din sa barahang may larawan nitó.

3. Babae na kinikilálang sagisag o tampok ng kasayahan sa isang pagdiriwang.

4. Pinakamakapangyarihang piyesa sa larong chess na nakagagalaw sa anumang direksiyon maliban sa kilos ng piyesang kabayo.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.