KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pu•wés•to

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
puesto
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Lugar o dákong kinalalagyan ng isang tao, hayop, o bagay.
POSISYÓN

2. Tungkuling ginagampanan ninuman.

3. Lugar na pinagtitindahan (lalo sa mga pamilihan).
Tanging maliit na puwésto sa palengke ang munting kabuhayan ng aming pamilya.

Paglalapi
  • • ipuwésto, magpuwésto, maipuwésto, pagkapuwésto, pumuwésto: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.