KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pu•tók

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. May lamat o baság.

2. Tingnan ang nakabuká
Putók ang tiyan ng mga isdang húli sa pagpapasabog ng dinamita.

pu•tók

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tunog ng baril, kanyon, at iba pang kauri ng mga ito.

2. Biglang pagsambulat ng anumang bagay na karaniwan ay lumilikhâ ng malakas na ingay.

3. Pagkabasag ng mga bagay na katulad ng baso, pinggan, atbp. (gaya ng nangyayari kung nalalagyan ng mainit na tubig); lamat ng mga ganitong kagamitan.

4. Pagbuka ng balát ng mga bungangkahoy dahil sa matinding init ng araw.

5. Walang abog na pagkálat ng balità tungkol sa isang lihim na nangyayari.

6. Sa sugal (lalo na sa huweteng), ang paglabas ng tinayang numero.

7. Tingnan ang anghít

Paglalapi
  • • paputók: Pangngalan
  • • putók, magpaputók, paputukán, paputukín, pumutók, magputók: Pandiwa
  • • pumuputók, putók-putók: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.