KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pus•pú•san

Bahagi ng Pananalita
Pang-abay
Kahulugan

Nang lubos na lubos.

pus•pú•san

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Salita
puspós+an
Kahulugan

1. Ginawa nang napakabuti o may buong husay.
Puspúsan ang naging pagsasanay ng atleta.

2. Walang humpay o tuloy-tuloy ang paggawa.
Puspúsan ang kaniyang pag-aaral upang makapasá sa pagsusulit.
DETERMINÁDO, SAGÁRAN, DIBDÍBAN

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?