KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pu•pò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Salitáng ginagamit ng batà para sa tae o pagdumi.
,

Paglalapi
  • • pumupò: Pandiwa

pu•pò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Malaking kalamangan.

pu•pô

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Bahaging malamán ng alimasag, alimango, at iba pang kauri.

2. Magalang na pagsagot o pakikipag-usap sa isang matanda.

Paglalapi
  • • pamumupô: Pangngalan

pu•pó

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagputol nang sagad sa punò.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?