KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pu•lót

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Malapot na katas ng tubó.
DIRÓ

2. Tingnan ang pulót-pukyútan

pú•lot

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkuha gámit ang kamay sa anumang nahulog sa lapag o hindi dapat naroroon.
DAMPÓT

2. Pagkakuha ng kaalaman o karunungan mula sa iba.

Paglalapi
  • • mamumúlot : Pangngalan
  • • makapúlot, mamúlot, mapúlot, pulútin, pumúlot: Pandiwa

pu•lót

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Hindi tunay na pag-aari; nakuha lámang sa daan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?