KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pu•lí•kat

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

MEDISINA Biglang pag-urong at paninigas ng laman sa isang bahagi ng katawan (karaniwang sa binti) na nagdudulot ng matinding sakít.
Sinumpong siya ng pulíkat habang naliligo sa dagat.
KALÁMBRE, KISÍG

Paglalapi
  • • pamumulíkat: Pangngalan
  • • pinulíkat, pinupulíkat, pulikátin, pupulikátin: Pandiwa
  • • púlikatín: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.