KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pro•pe•sór

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
profesor
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Gurong may pinakamataas na ranggo sa isang kolehiyo o pamantasan.
Mahusay ang propesór ko sa Filipino na may doktorádo sa lingguwistika.

2. Nakasanayang tawag sa sinumang guro sa antas na tersiyaryo, anuman ang titulo.
Mababait ang mga propesór ko ngayong semestre.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?