KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

prés•ko

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Salita
fresco
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Nauukol sa sariwa at malamig na panahon o hangin.
Présko sa aming bakuran dahil sa mga punò.

2. Tingnan ang maginháwa
Présko ang pakiramdam kapag bágong paligo.

3. Walang pangingimi kung kumilos.
Masyadong présko ang manliligaw niya.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?