KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

plá•no

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Iginuhit na balangkas ng itatayong estruktura o bubuoing mekanismo.
Hindi nasunod ang pláno sa ipinagawa niyang bahay.

2. Tingnan ang bálak
Ano ang pláno mo sa bakasyon?

3. Paraan sa ikalulutas ng isang suliranin.
Wala pa rin siyang pláno para sa naipon na pagkakautang.

Paglalapi
  • • pagpapláno: Pangngalan
  • • magpláno, planúhin: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?