KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pi•sâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
pisar
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Pagpapasisiw sa itlog; pagkabiyak at paglabas ng anumang nása loob nitó (gaya ng isang itlog).

2. Pagkapipî o pagkabásag ng mga bagay na katulad ng kamatis, itlog, atbp.

Paglalapi
  • • pamisáan : Pangngalan
  • • magpisâ, mamisâ, mapisâ, pisaín, pumisâ : Pandiwa

pi•sâ

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nabasag na itlog o napipî dahil sa pagkakadagan ng bagay na mabigat.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Mulang mga babaylán hanggang mga bayani ng kasalukuyang panahon, ipinagdiriwang natin ang mga ambag ng kababaihan sa ating kasaysayan at lipunan. Maligayang Buwan ng Kababaihan sa lahat!